MANILA, Philippines — Kasama sa ipinatawag ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) si top trainer Donato Sordan para imbestigahan sa naging takbo ng Raxa Bago noong Huwebes ng gabi sa naganap na Condition Race category 17. Natalo ang Raxa Bago ng kalahating kabayo sa Hiden Moment.
Kasalukuyang nangunguna si Sordan sa “Top 10 Trainers based on Wins and Placing” mula Enero 1 hanggang Hulyo 31, 2019.
Sa inilabas ng PHILRACOM na resulta sa paramihan ng panalo ng karera, nakapagtala si Sordan ng 81 first place win, 54 na second place win, 59 na third place win at 47 na fourth place win habang segundo si Ruben Tupaz na nakalikom ng 78 panalo, 72 segundo, 55 na third at 46 na fourth place.
Nasa pangatlong puwesto si Ernesto Boy Roxas na may 50-1st, 33-2nd, 27-3rd at 16-4th.
Nasilip ng mga Board of Stewards ng Philippine Racing Club Inc., (PRCI) ang pagdadala ni apprentice rider Fermine Parlucha kay Raxa Bago at ayon sa mga nakapanood na karerista ay sadyang ipinatalo ng hineta ang sakay nito dahil hindi umano ito kumayog at inaawat pa ang kabayo habang rumeremate.
Pagkatapos ng karera ay pinatawan ng 312 racing days suspension si Parlucha dahil nilabag nito ang PR 76.UU “For deliberately losing the race” na Rules and Regulations ng karera.
Nakatakdang magpaliwanag si Parlucha kasama sina Sordan at horse owner na si Marissa Sordan sa pormal na imbestigasyon sa Miyerkules (August 14, 2019) sa alas-11 ng umaga sa PHILRACOM board room.
Ang mga nasa top 10 list ay sina No. 4-QM Rayat na nirehistro ang 49 wins, 54 2nd, 47 3rd at 66 4th, No. 5-RC Hipolito, (45-1st, 44-2nd, 30-3rd, 32-4th), No. 6-CM Vicente, (44-1st, 55-2nd, 50-3rd, 43-4th), No. 7-AC Sordan, (40-1st, 36-2nd, 29-3rd, 47-4th), No. 8-RE Mongaya, (39-1st, 47-2nd, 35-3rd, 48-4th), No.9 JY Tionloc, (35-1st, 14-2nd, 13-3rd, 17-4th) at No. 10 RM Rivera, (34-1st, 35-2nd, 55-3rd, 35-4th).
Samantala, si Narciso O. Morales naman ang namamayagpag sa Top 10 Horseowner para sa buwan lang ng Hulyo base sa nalikom na panalo at placings.
Humakot si Morales ng 23 1st, 27 2nd, 25 3rd at 26 4th nakasunod si LM Javier Jr. na may 11 panalo, pitong 2nd, walong 3rd at limang 4th. (Nilda Moreno)
Pangatlo si Ed Gonzalez na nirehistro ang pitong panalo, tatlong 2nd, tatlong 3rd at isang 4th, pang-apat si JY Tionloc, (7-1st at isang 2nd).
Swak sa top 10 sina WM Afan Jr., (6-1st, 5-2nd, 5-3rd, 4-4th), Aristeo Puyat, (4-1st, 10-2nd, 4-3rd, 5-4th), MPL Trading, (4-1st, 4-2nd, 0-3rd, 2-4th), Hermie Esguerra, (4-1st, 1-2nd, 0-3rd, 1-4th), ML Sordan, (4-1st, 1-2nd) at FPP Crisostomo, (4-1st, 0-2nd, 0-3rd, 1-4th).
Humaharurot naman ang kabayo ni Morales na Trust Me sa “Top 10 Horses, pangalawa ang Señor Lucas na pag-aari ni Edward M. Diokno.
Tersero ang Sweet Dreams ni JM Inson III, pang-apat ang Garantisado, (BU Tecson), pang-lima ang La Corona, (BC Niles Jr), sunod na ang Magaskawee, (JY Tionloc), Princess Eowyn, (EV Diokno), Viva Morena, (BPM Niles III), Certain To Win, (BU Tecson) at Lucky Julliana, (AF Coyco).