MANILA, Philippines — Tuluy na tuloy na ang international stint ni Philippine men’s volleyball national team member Bryan Bagunas sa pagsalang nito sa V. Premier League ng Japan sa ilalim ng Oita Miyoshi Weisse Adler.
Si Bagunas na ang ikalawang Pilipinong naglaro sa Japanese club na Weisse Adler, na unang kinuha ang serbisyo ni five-time UAAP Marck Espejo bilang Asian import.
Unang nakilala at sumikat sa local volleyball scene si Bagunas nang maglaro ito sa National University Bulldogs sa UAAP men’s volleyball kung saan tinulungan nito ang tropa na masungkit ang back-to-back champions nito.
Sa huling season niya sa UAAP tumapos ng may kabuuang 285 puntos mula sa 53.49 percent attack efficiency nito at siya rin ang pinangalanan na Best Server.
Kasama rin si Bagunas sa Philippine team na nanakaw ang Bronze medal sa katatapos lang ng 2019 Thailand Open Sealect Tuna Championships nitong buwan lamang.
Sa kasalukuyan ay naglalaro para sa Air Force - Go for Gold si Bagunas na kamakailan lang ay nasungkit naman ang first-runner podium finish sa Spiker’s Turf Reinforced Conference.
Unang naimbitihan ang V. Premier League ang magkapatid na sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat habang naglaro rin sa Thailand sa ilalim ng 3BB Nakornnont si Alyssa Valdez. - Fergus E. Josue, Jr.