Bacolod pinagbidahan ni Tallo

MANILA, Philippines – Ilang buwan matapos mawala sa PBA, nagpakitang-gilas si Mark Tallo sa MPBL para sa kanyang bagong team na Bacolod-Master Sardines.

 Sa kanyang debut game, tumapos ito ng 31 points, anim na steals at anim na rebounds upang ihatid ang kanyang koponan sa 87-83 panalo para sa kanilang kapwa expansion team na Mindoro Tamaraws sa MPBL Lakan Season sa San Andres Gym sa Manila.

“Medyo disappointed ako sa sarili ko kasi nung nag-PBA ako, medyo tumaba ako, hindi ako naging masyadong di-siplinado, kaya dito sa MPBL, may gusto akong i-prove dahil gusto ko ulit maka-balik sa PBA,” sabi ni Tallo, anak ni da-ting PBA player Mark Anthony Tallo.

Humakot si Tallo ng 14 second quarter points, 10 sa pivotal fourth quarter  kabilang ang anim na huling puntos ng koponan. Ang kanyang jumper sa huling 38 segundo ang nagpanalo sa Bacolod.

 Pinasadsad naman ng Manila ang Nueva Ecija, 96-86 sa isa pang laro sa pangunguna ni Carlo Lastimosa, isa sa mga dating PBA players na nahugot nitong off season, na nagtala ng 20 points habang si Chris Bitoon ay may 18 markers.

Show comments