Playoffs kinumpleto ng Chadao-FEU

Si Valandre Chauca ng Family Mart-Enderun laban kay Ferdinand Asuntion ng Ironcon-UST.
PBA D-League photo

MANILA, Philippines – Kinumpleto ng Cha-dao-FEU ang playoff picture sa Foundation Group matapos umeskapo sa Centro Escolar University, 74-69 kahapon sa katatapos lang na elimination round ng 2019 PBA Developmental League sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Lumamang pa ng 69-58 ang FEU sa simula ng fourth quarter nang magpakawala ng mainit na 11-0 ratsada ang Scorpions upang itabla ang laro sa 69-all, 2:08 pa sa orasan.

Sa kabutihang palad, may tira pang gasolina ang Tamaraws na kina-yod ang huling limang puntos ng laban tungo sa mahirap na tagumpay.

Dahil dito, umangat sa 6-3 ang baraha ng Morayta-based squad upang masungkit ang huling puwesto sa top four ng Foundation Group na aabante sa crossover quarterfinals kontra sa Aspirants Group.

Sinamahan ng FEU ang Valencia City Bukidnon SSCR (7-1) at CEU (7-2) na nabiyayaan ng twice-to-beat incentives kasama ang terserang Metropac-San Beda (6-3).

Giniyahan ni LJay Gonzales ang atake ng Tamaraw sa likod ng kanyang kumpletong 15 puntos, limang rebounds, limang assists at tatlong steals habang may 13 at 12 puntos din sina Wendell Comboy at Joseph Nunag, ayon sa pagkakasunod.

“Our goal is to make it to the playoffs and nakuha na namin ang first goal namin,” ani coach Olsen Racela.

Tumikada naman ng  24 puntos si Judel Fuentes para sa Scorpions na swak pa rin sa playoffs hawak ang twice-to-beat egde sa kabila ng kabiguan.

Sa isa pang laro, dinis-karil ng sibak nang Family Mart-Enderun ang pag-abante ng Ironcon--UST sa playoffs at sa halip ay hinila rin nito sa eliminasyon matapos ang ma-laking 81-74 paninilat.

Umariba si Valandre Chauca sa 31 puntos upang buhatin ang Titans sa maugong na pagtatapos ng kanilang kampanya tungo sa 2-7 baraha.

“They want to prove something and they accepted their roles for the good of the team,” ani coach Pipo Noundou.

Kung nanalo sana ang Growling Tigers, pasok ito sa ikalawang puwesto ng Aspirants’ Group bagkus ay namaalam na sa kontensyon hawak ang 6-3 baraha.

Nabigyan ng libreng tiket sa playoffs ang Che’Lu Bar and Grill (6-3) upang kumpletuhin ang top four ng Aspirants’ Group kasama ang No. 1 at No. 2 seed na Cignal-Ateneo (8-1) at St. Clare College-Virtual Reality (6-3) na parehong may twice-to-beat incentives. (JBU)

 

Show comments