MANILA, Philippines — All-Filipino squad ang ipaparada ng Pilipinas sa pagsalang sa FIBA 3X3 Huaqiao International Kunshan Challenger sa China.
Ito ay dahil sa mga injuries na natamo ng kanilang imports ilang araw bago ang naturang Level 9 FIBA 3X3 tourney na sisiklab na ngayon sa China hanggang bukas.
Naatasang mangu-na sa bansa ang Pasig Chooks-to-Go na binubuo nina Joshua Munzon, Taylor Statham, Troy Rike at dating PBA player na si Dylan Ababou.
“We are sending the original Pasig Kings team. This is the actual team that qualified for the Doha Masters for winning the Chooks-to-Go President’s Cup,” ani Chooks-To-Go Pilipinas 3x3 league commissioner Eric Altamirano.
Namamaga ang kaliwang kamay ni Serbian import Nikola Pavlovic habang nadale naman ng semi-fractured rib injury si French reinforcement Angelo Tsagarakis sa ginanap na Doha World Tour Masters noong nakaraang buwan.
Bagong hamon sa Filipino 3x3 cagers ang torneong ito matapos magpakitang-gilas sa Doha kung saan umabot sa quarterfinals ang Pasig Chooks at Bataan Chooks sa tulong nina Tsagarakis at Pavlovic.
“For the last five months, we have pushed our players to the limit in our local league. Now, it’s time to see if we can win an international tournament without guest players,” saad naman ni Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 league owner Ronald Mascariñas.
Mapapalaban ang Pasig Chooks-to-Go sa world no. 3 team na Liman ng Serbia at Sosnovy BorCopRosatom ng Russia sa Group A.
“It’s going to be tough. We are facing Liman and one Russian team,” dagdag ni Altamirano.