Luke Walton kinuha ng Sacramento

Luke Walton

SACRAMENTO -- Isang araw matapos tanggalin bilang head coach ng Los Angeles Lakers ay kaagad nakakuha ng trabaho si Luke Walton.

Ora-oradang kinuha ng Kings ang 39-anyos na si Walton, iginiya ang Lakers sa mahinang 37-45 record sa kabila ng pagdating ni LeBron James.

Isang formal announcement ang gagawin ng Sacramento sa mga susunod na araw para sa opis-yal nilang paghugot kay Walton.

Noong Huwebes ay sinibak ni Kings general manager Vlade Divac si coach Dave Joerger matapos malasap ng prangkisa ang kanilang ika-13 sunod na losing season.

Si Joerger ang nagpalakas sa Sacramento ngunit nabigo siyang umabot sa playoffs.

Show comments