Pacio nabawi ang korona kay Saruta

MANILA, Philippines — Muling napasakamay ni Pinoy fighter Joshua Pacio ang ONE Championship strawweight crown matapos resbakan si Japanese Yosuke Sa­ru­ta sa ONE: Roots of Ho­nor sa MOA Arena sa Pasay City noong Biyernes ng gabi.

Pinatumba ni Pacio si Saruta sa fourth round patungo sa pagbawi ang naisuko niyang korona sa ONE: Eternal Glory sa Jakarta no­ong Enero.

Muling nakasama ni Pacio si Fil-Am Brandon Vera, ang kampeon sa heavyweight division, bilang mga Pinoy ONE champions.

Ang tagumpay ni Pacio ang tumabon sa mga naunang kabiguan nina ONE titlists Eduard Folayang, Kevin Belingon at Geje Eustaquio.

Umiskor naman si Ed­ward Kelly ng se­cond-round stoppage la­ban kay South Korean Sung Jong Lee, habang naglista si Ramon Gonzales ng first-round sub­mission win kay Japanese Akihiro Fujisawa, ha­bang bumagsak si Eric Kelly kay South Ko­rean Kwon Won Il sa first round.

Show comments