3x3 Asia-Pacific Super Quest sa Abril

MANILA, Philippines — Napili ang Pilipinas bilang host ng kauna-unahang International Basketball Federation (FIBA) – Chooks-to-Go 3x3 Asia-Pacific Super Quest sa darating na Abril.

 

Bahagi ito ng misyon ng Chooks-to-Go, katuwang ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, upang mapalakas ang tsansa nitong makapasok sa 2020 Tokyo Olympics kung saan ipakikilala ang 3x3 bilang medal event sa unang pagkakataon.

 

Ayon kay Ronald Mascariñas, dating backer ng national team na Gilas Pilipinas at siyang league owner ng idinaraos  na Chooks Pilipinas 3x3 league, napabilib ng Pilipinas ang FIBA na siyang dahilan ng pagkakasikwat ng bansa ng hosting rights ng makasaysayang Super Quest.

Ito ay bunsod ng matagumpay din na pag-host ng bansa ng FIBA 3x3 World Cup noong nakaraang taon gayundin ang paglulunsad nito noong nakaraang Sabado lamang ng Chooks Pilipinas 3x3 league na siyang kauna-unahang FIBA-registered at organisadong 3x3 league sa bansa.

“After last year’s success of the FIBA 3x3 World Cup organized by the SBP, the initiative of Chooks-to-Go to set up a tournament with international teams from Asia-Pacific qualifying to the FIBA 3x3 World Tour is excellent news,” sabi ni Sanchez.

“This underpins the effort of Chooks-to-go in organizing dozens of local 3x3 events and will accelerate the development of 3x3 in Philippines. So, there is no reason why Philippines cannot have successful teams playing at World Tour, considering the depth of talent and love for the game in the country.”

Labingdalawa hanggang 16 na koponan ang inaasahang sasali sa Super Quest kung saan kukunin ang top three teams na aabante sa 2019 FIBA 3x3 World Tour na siyang magiging daan din tungo sa Olympics.

Bilang host country, dalawang koponan ang maaaring iparada ng Pilipinas para sa mas malaking tsansa na makapasok sa World Tour.

Ang multiple-time champion at kasalukuyang world no.1 na Serbia sa pangunguna ng top ranked player na si Dusan Bulut ay inaabangan ding sumali sa makasaysayang Super Quest.

Malalaman naman ang dalawang koponan na kakatawan sa bansa sa Super Quest mula sa champion at runner up ng idinaraos na Chooks Pilipinas 3x3 league na mayroong anim na legs hanggang Abril.

Ayon sa FIBA 3x3 events hierarcy, Level Seven o Purple Level ang natu-rang Super Quest kung saan malaking 3x3 ranking points ang nakataya na siyang posibleng magpataas sa tsansa ng Pilipinas sa Tokyo 2020 Olympics.

“We are happy to be chosen as the first ever host of this 3x3 Asia-Pacific Super Quest. It’s really an honor,” ani Mascariñas. “The Philippines has the biggest market in Asia in terms of basketball following and FIBA saw that, giving us chance to qualify in the Olympics with this first ever Super Quest.”

Show comments