Mighty Sports 3rd place

DUBAI, United Arab Emirates — Matapos mabigong makapasok sa finals, nakuntento ang Team Mighty Sports-Philippines sa third place finish nang muli nilang igupo ang reigning Lebanon league titlist Homenetmen, 91-76 nitong Sabado ng gabi sa 30th Dubai International Basketball Championships sa Shabab Al Ahli Club gymnasium dito.

Ibinuhos lahat ni former Ginebra stalwart Jett Manuel ang kanyang lakas para sa team-high 19 points matapos ipasok ang lahat ng kanyang seven attempts para makabawi ang Mighty Sports sa masaklap na 89-84 pagkatalo sa Al Riyadi-Lebanon sa knockout semifinal round noong isang gabi.

“Overall, I think the stint was a successful campaign,” sabi ni Mighty Sports coach Charles Tiu sa ipinakita ng kanyang team na na-sweep ang apat na laro sa group stage bago dinomina ang Oil Sports Club-Iraq sa quarterfinals at nagbigay ng magandang laban sa Al Riyadi ngunit kinapos sa Final Four round.

Show comments