MANILA, Philippines — Matapos si strawweight Joshua Pacio ay si flyweight Geje Eustaquio naman ang nahubaran ng suot na ONE Championship crown.
Naisuko ni Eustaquio ang kanyang hawak na titulo matapos matalo kay Brazilian Adriano Moraes via unanimous decision sa ONE: Hero’s Ascent noong Biyernes ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.
Sa fourth round ay muntik nang mapasuko ni Moraes si Eustaquio ng Team Lakay sa pamamagitan ng hamstring submission gamit ang kneebar mula sa likuran.
Ngunit nalampasan ito ni Eustaquio.
Sa katapusan ay pina-boran ng tatlong judges si Moraes, pinaganda ang baraha sa 18-3 (win-loss).
Nauna nang nawala sa ulo ni Pacio ang kanyang strawweight crown matapos matalo kay Japanese Yosuke Saruta sa ONE: Eternal Glory sa Jakarta, Indonesia noong Enero 19.
Dahil dito ay tanging sina Fil-Am Brandon Vera (heavyweight), Edward Folayang (lightweight) at Kevin Beli-ngon (bantamweight) ang tatlong Pinoy na nagsusuot ng ONE belt.
May ilang nagsasabing si Eustaquio ang tunay na nanalo sa nasabing laban base sa nalusutang takedown attempts ni Moraes at gumamit ng mas malalakas na counterpunches.
Subalit ang magandang ground and pound ang nagbigay sa Brazilian ng panalo.
Inaasahang lalaban si Moraes sa flyweight grand prix na lalahukan ni dating Ultimate Fighting Championship titlist Demetrious “Mighty Mouse” Johnson, ikinukunsiderang best pound-for-pound fighters sa buong mundo.
Samantala, natalo din si Pinoy pride Honorio Banario kay Lowen Tynanes via first round stoppage na nagdala ng undefeated American fighter sa semifinals ng ONE lightweight grand prix.
Iniligtas naman ni flyweight Danny Kingad, natalo kay Moraes sa isang title fight noong 2017.