Alab asam ang ika-pitong panalo kontra sa Dreamers

MANILA, Philippines — Malakas ang tiwala ng nagdedepensang  San Miguel-Alab Pilipi­nas na magwawagi muli sa kanilang ikalawang pagtatagpo kontra sa For­mosa Dreamers sa  9th Asean Basketball League sa Changhua County Stadium sa Changhua City, Taiwan.

Ito na ang ikalawang paghaharap ng Alab Pi­lipinas at Formosa Drea­mers kung saan ini­lampaso nila ang Taiwanese team, 86-72, sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex noong Disyembre 21.

Nakatakda ang laro nga­­yong alas-3 ng ha­pon.

Nanatili sa solong li­derato ang Alab Pilipi­nas sa 6-1 kartada matapos patumbahin ang Hong Kong Eastern Lions, 87-75, noong Bi­yernes, habang ang For­mosa Dreamers ay ga­ling sa 110-116 pag­ka­talo sa Macau Black Bears noong Miyerkules sa University of Macau Gym.

Dahil sa panalo kontra sa Hong Kong Eas­tern ay lalong tumaas ang kumpiyansa ng tro­pa ni head coach Jimmy Alapag.

Ang tangi pa lamang nilang kabiguan ay laban sa Westports Ma­laysia Dra­gons, 71-72, noong Mi­yerkules sa MABA Stadium ng Kua­la Lumpur.

Samantala, ipinahiya ni 7-foot-3 PJ Ramos ang 7’5 Sam Deguara ng Hong Kong Eastern Lions sa pagtatagpo ng dalawang higante noong Biyernes.

Tumapos ang Puerto Rican import na si Ramos na may 31 points, 12 rebounds at 7 assists, habang ang Maltese-Ita­lian na si Deguara ay uma­ni ng 14 points at 9 boards para sa Eastern Lions.

Matapos umiskor ng limang puntos lamang kontra sa Dra­gons ay bumawi naman si Bobby Ray Parks, Jr. sa kanyang 24 points kabilang na ang apat na triples.

 

Show comments