MANILA, Philippines — Naglaro siya sa Paris na suot ang isang black catsuit, isang pagpapaalala na walang sinuman ang makakagawa ng eksena sa Grand Slam kagaya ni Serena Williams.
Umabante siya sa finals ng Wimbledon at U.S. Open para patunayan na kaya niya itong gawin kahit maiksi ang kanyang naging ensayo.
Nakahugot ang 37-anyos na si Williams ng kabuuang 93 points sa balloting sa hanay ng mga U.S. editors at news directors kasunod sina gymnast Simone Biles, Notre Dame basketball player Arike Ogunbowale, Olympic Games snowboarder Chloe Kim at swimmer Katie Ledecky.