MANILA, Philippines — Mapapalaban ng husto ang Ateneo de Manila University kontra sa mas beteranong Creamline Cool Smashers sa pagsambulat ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference best-of-three finals bukas sa The Arena sa San Juan City.
Bagitong koponan ang Lady Eagles na kauna-unahang collegiate team na nakapasok sa finals.
Ngunit armado ito ng ‘heart strong’ mantra kasama pa ang matatangkad na manlalaro sa pangunguna nina team captain Bea De Leon, Kat Tolentino at Maddie Madayag.
“We have nothing to lose. For as long as we believe in each other, we’ll be okay,” ani De Leon.
Maliban sa tatlo, umangat din ang laro ni Ponggay Gaston na siyang pa-ngunahing sinandalan ng Lady Eagles sa kanilang dalawang huling laro.
Nariyan din sina Vanessa Gandler, Julianne Samonte, Deanna Wong at Dani Ravena na tunay na maaasahan ng tropa.
Masusubukan ang tikas ng Ateneo dahil malalim ang karanasan ng Creamline.
Babanderahan ito ng dalawang da-ting Ateneo standouts na sina Alyssa Valdez at Jia Morado katuwang sina Michele Gumabao, Risa Sato, Jema Galanza, Pau Soriano at Melissa Gohing.
Naniniwala si Ateneo head coach Oliver Almadro na ang determinasyon ng kanyang mga manlalaro ang magdadala sa kanila sa serye.
“We didn’t expect to be in the finals. We’re just a collegiate team so we didn’t expect this. But my players wanted this. It’s all about heart and who wants it more. Valdez and Morado are legends, they are idols of our players,” ani Almadro.