Embiid nagpakita ng lakas sa panalo ng 76ers sa Clippers

Isinalpak ni 76ers big man Joel Embiid ang kanyang two-handed slam dunk.

PHILADELPHIA — Gu­s­to ni star center Joel Embiid na maging NBA MVP at Defensive Player of the Year ngayong season.

Ipinakita niyang ser­yoso siyang gawin ito.

Humakot si Embiid ng 41 points at 13 rebounds para pangunahan ang 76ers sa 122-113 pa­na­lo laban sa Los Angeles Clippers.

Ito ang ikaanim na la­ro na nagtala si Embiid ng higit sa 30 points at 10 boards.

“It’s great,” sabi ni Em­biid. “It’s just about being aggressive and sta­ying within the concepts of the system.”

Nag-ambag si Ben Sim­mons ng 14 points at 11 assists, habang tuma­pos si Markelle Fultz na may 12 points, 9 boards at 5 assists para sa 5-0 record ng 76ers sa kanilang tahanan.

Kumamada si guard Lou Williams ng 26 points sa panig ng Clippers, habang may 25 at 24 markers sina Danilo Gallinari at Tobias Harris, ayon sa pagkakasunod.

Sa Charlotte, kumo­lekta si Russell Westbrook ng 29 points, 10 assists at 8 rebounds at na­kabalik ang Oklahoma City Thunder mula sa 19-point deficit sa third quarter deficit para resba­kan ang Hornets, 111-107.

Nagdagdag si Alex Ab­rines ng 25 points ka­sama ang limang three-pointers para sa Thun­der.

Sa Boston, nagpasabog si Kyrie Irving ng 28 points tampok ang anim sa franchise-record na 24 3-pointers ng Celtics para talunin ang Milwaukee Bucks, 117-113.

Tumipa si Gordon Hay­ward ng season-high na 18 points para sa Boston.

Sa Atlanta, nagsumite si De’Aaron Fox ng mga career highs na 31 points, 15 assists at 10 rebounds para sa una niyang career triple-double sa pagbibi­da sa 146-115 pagdurog ng Sacramento Kings sa Hawks.

Show comments