MANILA, Philippines — Nagpakitang-gilas si Fil-Canadian rookie guard James Canlas sa panalo ng San Beda Red Lions kontra sa karibal na Lyceum Pirates, 75-68, noong Huwebes sa season 81 NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Umani ang bagitong si Canlas ng career-high na 18 points na may kasamang 6 rebounds para igiya ang nagdedepensang Red Lions sa solo top spot.
Dahil sa kanyang ipinamalas na kakayahan ay napili si Canlas bilang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week.
“At first I was a little bit nervous but once I got to the game I just played good thinking that the game will come to you. As a rookie you have to prove something to everybody and not just be the guy who shows up and does nothing,” sabi ni Canlas.
Si Canlas ay isa sa mga aasahan sa tropa ni coach Boyet Fernandez sa mga darating na seasons sa pag-alis ng mga beteranong players kagaya ni Robert Bolick sa taong ito.
“James (Canlas) will be the future of San Beda and Robert is his teacher,” ayon kay Fernandez.
Inamin ni Bolick na may magandang potensyal si Canlas kaya hindi siya nagsasawa sa pagtulong sa San Beda rookie.
Si Bolick ay handa na sa pagsali sa 2018 PBA rookie draft sa Disyembre.
“I always challenge James (Canlas) because he has a lot of potential. He has good potential and I always challenge him because he will still be better when time comes and I know I will leave my school knowing it’s in good hands,” ani Bolick.
Naungusan ni Canlas ang mga beteranong sina teammate Bolick at Mapua graduating player na si Cedric Pelayo at Yankie Haruna ng St. Benilde Blazers para sa nasabing lingguhang individual honor.