Hayward puwede nang lumaro

BOSTON -- Bagama’t hindi pa 100 percent sa kanyang basketball ability ay naniniwala naman si star forward Gordon Hayward na makakapaglaro siya sa pagsisimula ng kampanya ng Celtics sa regular season laban sa Philadelphia 76ers sa Oktubre 16.

“I’m just excited to be out there,” wika ng 28-anyos na si Hayward. “It’s been so much fun to be able to play again and play with my teammates. These past few weeks and the next probably month or so will be good to get back into the game.”

Sa loob ng limang minuto ay nagtapos ang 2017-18 season ni Hayward para sa Boston nangyari ang leg injury.

Naglalaro na si Hayward ng full-court, 5-on-5 games sa nakaraang dalawang linggo na walang restrictions.”

Sa pagkawala nina Hayward at Kyrie Irving ay nagtapos ang Celtics na may 55-27 record para sa second place sa Eastern Conference.

Sa pagkawala nina Hayward at Kyrie Irving ay nagtapos ang Celtics na may 55-27 record para sa second place sa Eastern Conference.

Ipinoste ng Boston ang 2-0 lead laban sa Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference finals, ngunit natalo sa Game Seven.

Naglaro si Hayward ng pitong seasons para sa Utah Jazz bago pumirma sa isang four-year, $128 million contract sa celtics noong Hulyo ng 2017.

Naglista si Hayward ng mga career averages na 15.7 points at 4.2 rebounds habang naglalaro para sa Jazz.

 

Show comments