Ika-3 NAASCU title asam ng St. Clare-Caloocan

MANILA, Philippines — Sisimulan ng defending champion St. Clare College-Caloocan ang kanilang kampanya para sa ikatlong sunod na titulo sa pagharap sa Enderun sa pagbubukas ngayon ng 18th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) basketball tournament sa Cuneta Astrodome.

Sisimulan ang bakbakan sa alas-12 ng tanghali matapos ang alas-10:30 ng umagang opening ceremony kung saan panauhing pangda-ngal sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, Bureau of Correction head Gen. Ronald “Bato” de la Rosa at Melvin Contapay ng Rebolusyonaryong Alyan-sang Makabansa.

Si NAASCU founding president Dr. Ernesto Jay Adalem ng St. Clare College-Caloocan ang magbibigay ng welcome remarks habang si NAASCU president Dr. Martha Beata Ijiran ng Philippine Christian University ang magdedeklara ng pormal na pagbubukas ng ika-18 taon ng liga. 

Show comments