Chicano at Huelgas tumapos sa No. 10 at 16

PALEMBANG — Pi­natunayan nina Filipi­no bets John Chicano at Niko Huelgas na sila ang pinakamahusay na male triathletes sa Southeast Asia nang tu­mapos sa 10th at 16th places, ayon sa pagkakasunod, sa men’s triathlon ng 18th Asian Games dito sa Ja­ka­baring Sport City Shooting Range dito. 

Sinagupa ang mga world-rated rivals, nagta­la si Chicano, ang silver medalist noong 2017 Southeast Asian Games sa Malaysia, ng bilis na isang oras, 54 minuto at 33 segundo sa 1.80-km swim/20-km bike/10-km run race para itapon ang kanyang personal best na 1:56.00 na inilista niya sa nakaraang Subic International Triath­lon.

Pinantayan din ni Chicano ang 10th place finish ni Jonard Sam, nagposte ng 1:59.00 noong 2014 edition sa Incheon, Korea.

Isinumite naman ni Huel­gas, ang back-to-back gold medal winner no­ong 2015 Singapore at 2017 Malaysia SEA Games, ang 1:58.39 pa­ra burahin ang nauna ni­­yang 1:59.17 bilang 11th placer noong 2014 In­cheon Games.

Ibinasura din ni Huel­gas ang kanyang win­ning time na 1:59.30 pa­ra sa ikalawa niyang SEAG gold medal sa Putra Jaya no­ong 2017.

Si Japanese Junpei Fu­ruy ang sumikwat sa gold medal sa kanyang oras na 1:49.33.

Show comments