Filipino athletes pupuntirya ng gold

JAKARTA— Iinit na ang aksiyon ngayon sa pag­bubukas ng kompe­tis­yon ng 14 pang sports kung saan may kabuuang 20 gold medals ang pag­lalabanan sa unang araw ng 18th Asian Games sa iba’t ibang venues dito.

Susubok ang mga fen­cers, poomsae athletes, shooters, wushu artists, wrestlers at swimmers na makasungkit ng medalya sa kani-kanilang events.

Sasabak ngayon sa Ja­karta Convention Center ang men’s team nina Dustin Jacob Mella, Jeor­dan Dominguez at Ro­dol­fo Reyes, lalahok din sa individual event kung saan apat na gold ang pag­lalabanan — men at wo­­men’s team at indivi­dual poomsae.

Ang women’s team ay binubuo naman nina  Ju­ve­nile Faye Crisostomo, Rin­na Babanto, Janna Do­minguez Oliva at Jocel Lyn Ninobla na sasali rin sa individual category.

Sa parehong lugar din gagawin ang fen­cing kung saan dalawang gold ang paglalabanan sa men’s epee at women’s sab­re.

Ang fencing team na pinangungunahan ng Philippine Chief of Mission na si Ormoc City Ma­yor Richard Gomez ay binubuo nina Samantha Kyle Catantan, Maxine Esteban, Wilhelmina Lo­zada at Justine Tinio sa women’s foil indivi­dual at team event; Brenan Louie, Nathaniel Pe­rez at Michael Nicanor sa men’s foil individual at team; at Hanniel Abella na tanging entry sa wo­men’s individual epee.

Limang gold naman  ang nakataya ngayon sa wrestling na gagawin din sa Jakarta Convention Center kung saan ang tanging entry ng Pinas ay sina Alvin Lo­brequito at Jefferson Ma­natad.

Pinakamaraming pag­lalabanang gold ngayon sa swimming sa Aquatics Cen­ter ng Gelora Bung Kar­no Sports Complex na may pitong nakataya.

Pamumunuan ni Jas­mine Alkhaldi ang tatlong swimers na entry ng Pi­nas.

Dalawang gold medal sa sho­­oting -- 10m air ri­fle at air pistol mixed events -- kung saan sasa­lang sina Jayson Valdez at Amparo Teresa Acuna sa shoo­ting range ng Jakabaring Sports City Palembang.

Tanging ang gold sa men’s changquan ang nakataya ngayon sa wushu sa Jakarta International Ex­po kung saan may wa­long entry ang Pinas sa pa­ngunguna nina Daniel Parantac at Divine Wally.

Sasagupain naman  ng Phl women’s softball ang Hong Kong sa alas-8 ng gabi (9 p.m. Sa Manila) sa GBK softball field.

 

Show comments