Chua umabante sa main draw ng World Chinese 8-Ball Masters

MANILA, Philippines —  Umusad si Johann Chua sa main draw ma­tapos magsumite ng da­lawang sunod na pa­nalo sa 2018 World Chinese 8-Ball Masters sa Si­ping Gymnasium sa Si­ping, China.

Inilabas ni Chua ang kanyang tikas kontra kay Liu Dawei ng China para itarak ang 9-3 de­mo­lisyon sa una niyang pag­salang.

Ngunit dumaan sa bu­tas ng karayom si Chua sa kanyang sumunod na asignatura bago naitakas ang 9-8 dikdikang panalo kontra sa isa pang Chinese bet na si Fan Zhisong.

Nakalugmok si Chua sa 1-6 iskor laban kay Fan subalit unti-unti itong tinapyas ng Pinoy cue master matapos samantalahin ang ilang min­tis ng Chinese para makumpleto ang come-from-behind win.

Hindi naman pinalad si Jeffrey Ignacio nang lumasap ng 10-11 kabi­gu­an kay Yang Hai ng China sa kanyang ikalawang laro.

Nagtala muna ng 9-1 panalo si Ignacio kontra kay Sun Lei at ng 7-3 pananaig kay Yang Xiaosong ng China ba­go yumukod kay Yang.

Pasok din sa main draw sina Gareth Potts ng England, San­jin Peh­livanovic ng Bosnia and Herzegonvina, Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei at Dimitrov Stanimir ng Bul­garia.

Show comments