Wow Salve A., deserve nina Dingdong Dantes at Anne Curtis ang masundan agad ang kanilang pelikula. Eh kasi naman, parehas silang nag-stood out sa Sid and Aya na hindi naman pala isang love story, at sana ay si Direk Irene Villamor ulit ang kanilang maging direktor.
Sa Sid and Aya pinatunayan ni Direk Irene na karapat-dapat siyang mapasama sa mga magagaling na direktor.
Direk Antoinette Jadaone and Mae Cruz-Alviar, are you listening?
Ayon sa aming narinig, si Xian Lim daw ang magiging leading man ng next assignment ni Direk Irene para sa Viva Films.
Speaking of Xian, contract talent na siya ngayon ng Viva Artist Center, na pinamamahalaan ni Veronique del Rosario-Corpuz.
Xian’s first film para sa Viva Films ay ang Miss Granny, co-starring her with James Reid and Sarah Geronimo at idinirek ni Direk Joyce Bernal.
Charlene, naghihintay lang ng magandang offer bago bumalik sa showbiz
Martes na raw ang alis ni Aga Muhlach for Canada kung saan kukunan ang pelikula nila ni Bea Alonzo na ididirek naman ni Paul Soriano.
Bago umuwi si Aga, dadaan muna siya sa Las Vegas, Nevada para samahan ang kanyang mag-iinang sina Charlene Gonzales, Atasha at Andres.
Mayroon kasi silang vacation house roon.
Of Charlene, hindi naman daw siya totally magre-retire sa showbiz ayon sa kanyang nanay na si Elvie Gonzalez na kanya rin niyang manager.
“If a good offer comes her way,” ani Elvie. “Either for TV or the movies, we will consider.
Yes, ito rin ang usapan nina Charlene at Aga.”
Dating co-host ni Boy Abunda sa isang talk showbiz at host din ng isang dancing game show si Charlene bago siya magpakasal kay Aga.
Gumawa rin sila ng sitcom ni Aga. Titled Oki Doki Doc, kasama rin nila dito sina Agot, The late Babalu, Paolo Contis at Claudine Baretto.
Teenagers na both ang mga anak ngayon nina Paolo at Claudine.
Kathryn sinigurado kay Karla na ‘di pa sila magpapakasal ni Daniel
Samantala, sinigurado naman ni Kathryn Bernardo si Karla Estrada na wala pa sa isip nila ni Daniel Padilla ang pag-aasawa, “ang bata bata pa namin para i-consider man lang ang lumagay na sa tahimik.” paliwanag ni Kathryn.
Balak daw ni Kathryn na palaguin pa lalo ang kanilang beauty salon at spa business, habang si Daniel naman daw ay gusto nang makapagtapos ng college. Mayroon na raw siyang kurso at unibersidad na napipisil.
Ang kanyang nakababatang kapatid na si Carlito ay katatapos lamang ng Business Administration. “Naghahanap na siya ng trabaho,” tukoy pa ni Daniel.
Uumpisahan na nina Kathryn at Daniel ang bago nila pelikulang The Hows Of Us na ididirek ni Direk Cathy Garcia-Molina for Star Cinema.