MANILA, Philippines — May ilang pagbabagong ipatutupad ang season host National University (NU) sa UAAP Season 81 na magsisi-mula sa Setyembre.
Ilan sa mga tinukoy ni incoming Season 81 Board of Managing Directors president Nilo Ocampo ang paglipat ng ilang second semester events sa first semester upang mas maging maayos ang takbo ng liga sa buong season.
“Like athletics, fen-cing and chess. Second semester siya ngayon eh. May request ang other board members na puwedeng i-move sa first semester. There are too many events in the second semester. Gusto nila ilagay ang ibang events sa first semester para equally distribu-ted,” wika ni Ocampo.
Magbabalik din bilang special events ang ballroom dancing habang tuloy pa rin ang streetdance competition sa seniors at juniors at ang 3x3 basketball.
“3x3 was successful. We will try to continue what FEU did,” ani Ocampo.
Inisyal na nakatakda ang opening ceremony ng Season 81 sa Set-yembre 8 sa Mall of Asia Arena.
Pormal nang tinanggap ni NU president Teodoro Ocampo ang UAAP flag mula kay FEU president Dr. Michael Alba sa isang turnover ceremony na ginanap sa FEU Auditorium sa Morayta, Manila.
Iginawad din sa naturang programa ang seniors Athlete of the Year awards kina Ateneo swimmer Chloe Daos at La Salle baseball standout Kiko Gesmundo habang kina La Salle-Zobel tanker Nikki Pamintuan at FEU-Diliman football star Gio Pabualan naman ibinigay ang pinakamataas na kara-ngalan sa juniors.
Napasakamay ng UST ang tropeo ng pangkalahatang kampeonato sa seniors at juniors division kung saan ito ang ika-42 general championship crown ng Growling Tigers at ika-18 naman ng Tiger Cubs.