INDEPENDENCE, Ohio — Mula sa kanyang pagiging point guard sa NBA ay isa na ngayong point grad si George Hill ng Cleveland Cavaliers.
Lumiban ang starting guard sa team practice ng Cavaliers para sa kanyang college graduation.
Tinanggap ni Hill ang kanyang diploma mula sa IUPUI at naging bahagi ng commencement ceremonies sa Indianapolis, habang ginawa naman ng kanyang mga teammates ang huli nilang workout bago magtungo sa Boston at labanan ang Celtics sa Game One ng Eastern Conference Finals.
Naglaro ang 32-anyos na si Hill para sa Jaguars noong 2004-08 at tinanggap ang kanyang degree buhat sa School of Liberal Arts.
Siya ay isa sa dalawang student speakers na nagsalita sa harap ng mga bagong graduates.
Sa kanyang Twitter account ay ipinakita ni Hill ang “Jaguars” tattoo sa kaliwa niyang braso.
Sinabi ni Cavaliers head coach Tyronn Lue na sasama si Hill sa koponan para sa kanilang series opener ng Celtics.
“He’s been great,” sabi ni Lue sa veteran guard. “Just coming into Game 7 versus Indiana where he hadn’t played in 3 ½ games, to come out and play the half of basketball that he played, he was tremendous. So, just his experience of being in the playoffs, being in the Eastern Conference finals when he played for Indiana, playing against the Miami teams, he knows what it’s about. So, it’s great having a veteran like that on the team.”
Nakuha ng Cavaliers si Hill mula sa Sacramento Kings via trade noong Pebrero.
Nagkaroon siya ng back spasms at hindi nakita sa tatlong laro sa first round ng playoffs laban sa Indiana Pacers.
Naging susi naman si Hill sa panalo ng Cavaliers sa Game Seven sa four-game sweep sa Toronto Raptors sa second round.
Naglaro din si Hill sa postseason para sa San Antonio Spurs at Pacers.
Isa si Hill sa mga point guards na ginagamit ngayon ng Cleveland matapos dalhin si All-Star guard Kyrie Irving sa Boston Celtics sa isang blockbuster trade na nangyari bago magsimula ang season.