May playoff pa

Binigyan ni bMarian Buitre ng UP si Roselle Baliton ng UE na inalalayan ni Mary Anne Mendez .
PM photo ni Joven Cagande

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng playoff para sa huling Final Four berth sa men’s division ng UAAP Season 80 volleyball tournament.

Ito ang tiniyak ng University of Santo Tomas makaraang muling gapiin ang  Adamson University, 25-23, 21-25, 25-16, 25-17 kahapon  sa penultimate day ng elimination round sa Blue Eagle Gym sa loob ng Ateneo campus sa Quezon City.

Pinamunuan ni  Jayvee Sumagaysay ang  tagum-pay ng Tigers na tumapos sa elimination round  sa 6-8 panalo-talo katabla ng kanilang biktima.

Pumalo ang nakaraang taong PVL Reinforced Best Middle Blocker ng 10 hits,  walong blocks at dalawang service  aces upang pangunahan ang Tigers sa kanilang ikalawang panalo sa Falcons sa eliminations.

Para naman sa Falcons, sina Paolo Pablico at Philip Yude lamang ang nakatapos na may double digit sa itinala nilang  17 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.

Maghihintay  pa sila ng resulta ng laban ng La Salle at Far Eastern University ngayong umaga sa pagtatapos ng elimination round upang maitakda ang playoff.

Puwede pa kasing humabol ang Green Spikers kung sakaling ma-upset nila  ang Tamaraws na magreresulta ng 3-way tie sa  6-8.

Pag nagkataon,  lalawig ang playoff dahil magba-bye ang koponang may mataas na match points habang maghaharap sa knockout match ang dalawang may mababang match points.

Ang magwawagi ang makakatapat ng koponang naka-bye para sa huling Final Four slot. 

Sa isa men’s game,  binigo ng University of the Philippines na makatikim ng panalo ang University of the East  sa  25-20, 22-25, 25-7, 25-18 win.

Sa women’s match,  isinara ng University of the Philippines Lady Maroons ang kanilang season sa pamamagitan ng 14-25, 25-22, 25-23, 25-23 panalo kontra University of the East Lady Warriors.

Nagtala si Isabel Molde ng 14 attack points,  1 block at 4 na aces upang tulungan ang UP sa pagtaas sa 5-8, panalo-talong rekord na naglaglag naman sa UE sa barahang 2-12.

Sa ikalawang laro,  tinapos din ng Adamson Lady Falcons ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng panalo matapos walisin ang University of Santo Tomas,  25-6, 25-23, 25-23.Humataw ng 6 na hits,  5 blocks at 2 aces ang graduating player na si Mylene Paat upang ibigay sa Lady Falcons ang ika-6 nilang panalo kontra 8 talo na nagbaba naman sa Tigresses sa markang 4-10, panalo-talo. FML.

Humataw ng 6 na hits,  5 blocks at 2 aces ang graduating player na si Mylene Paat upang ibigay sa Lady Falcons ang ika-6 nilang panalo kontra 8 talo na nagbaba naman sa Tigresses sa markang 4-10, panalo-talo. FML. (FML)

Show comments