Cagers, Patriots unahan sa Finals

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng No. 3 Muntinlupa Cagers at No. 7 Parañaque Pat­riots ang huling finals berth sa kanilang ‘do-or-die’ game sa 2018 Ma­­harlika Pilipinas Bas­­ketball League Anta Ra­­jah Cup sa Muntinlupa City Sports Complex.

Tangan ang parehong 1-1 kartada sa best-of-three quarterfinal series, magtatagpong muli ang Ca­gers at Patriots nga­yong alas-7 ng gabi.

Naitulak ng Muntinlupa ang rubber match nang kunin ang 66-56 pa­­­­na­lo sa Game Two no­ong Sabado at makaganti sa kanilang 59-84 pagkatalo sa Game One noong Abril 5.

Ang mananalo sa Ca­gers at Patriots ang sa­sagupa sa No. 1 Ba­tangas Athletics sa best-of-three title series kung sa­an ang magkakampeon ay tatanggap ng P1 milyon at 24-inch trophy mula kay MPBL founder Sen. Manny Pacquiao.

Nakuha ng Batangas ang unang finals slot nang walisin ang Va­­len­zuela Classics.

Show comments