Elite humirit sa quarters

Umangat si Blackwater center Poy Erram para sa kanyang basket. (PM photo ni Joey Mendoza)

MANILA, Philippines — Matapos talunin ang nag­dedepensa sa titulo ay pinadapa naman ng Blackwater ang nasibak nang koponan.

Humataw ng 30 points sa third period, pinabagsak ng Blackwater ang Kia, 95-76, para palakasin ang kanilang tsansa sa eight-team quarterfinal round ng 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Binanderahan ni Mike Digregorio ang ikaapat na panalo ng Elite mula sa kanyang 21 points, habang nagdagdag si slotman Poy Erram ng 17 mar­kers.

Nauna nang tinalo ng Blackwater ang San Mi­guel, 106-96, noong na­ka­raang Biyernes.

“We just want a chance to make it to the play­offs,” ani Elite coach Leo Isaac. “The win against San Miguel was a shot in the arm.”

Nag-ambag si Allein Maliksi ng 14 points, habang may 9 at tig-8 markers sina James Sena, Mac Belo at Dave Marcelo, ayon sa pagkakasunod.

Matapos ilista ang 47-41 abante sa halftime ay umiskor ang Elite ng 30 points sa third quarter para iwanan ang Kia sa 77-65 sa pagsasara ng na­turang yugto.

Itinala ng Blackwater ang 20-point lead, 87-67, mula sa three-point shot ni Sena sa 5:51 minuto ng final canto hanggang ita­yo ang 24-point ad­van­tage, 95-71, sa huling 1:34 minuto.

BLACKWATER 95 - DiGregorio 21, Erram 17, Maliksi 14, Sena 9, Belo 8, Marcelo 8, Cruz 5, Pinto 5, Jose 4, Javier 3, Banal 1, Cortez 0, Palma 0, Neypes 0.

Kia 76 - Tubid 22, Celda 21, Corpuz 9, Lastimosa 8, McCarthy 6, Reyes 5, Camson 3, Khobuntin 2, Galanza 0, Sara 0, Escoto 0, Yee 0.

Quarterscores: 25-21; 47-41; 77-65; 95-76.

Show comments