MANILA, Philippines - Ang sandaling workout pagkadating sa Beirut noong Linggo ay ang huling dalawang araw na practice ang tumapos sa maiksing 12-araw na training ng Gilas Pilipinas para sa 2017 FIBA Asia Cup kung saan sisimulan nila ang kampanya sa pagharap sa bigating China sa Nouhad Nawfal Sports Complex bukas.
Dahil ang SEABA Championship noong May lang ang kanilang tanging tune-up at ngayon ay wala pa ang mga big man na sina Andray Blatche at June Mar Fajardo, sasandal ang Nationals sa fighting spirit sa pagharap sa mabibigat na hamon sa Asian meet na ito.
“As the size gets smaller and the number dwindles, the fight grows bigger as the heart expands even more,” sabi ni Gilas coach Chot Reyes sa kanyang Twitter account bago umalis ang team ng Manila.
Dahil sa calf injury, nasa sideline lang si June Mar Fajardo kasama si Gilas trainer Dexter Aseron, kaya 11-players lang ang maaasahan ni Reyes sa kanilang kampanya.
Sa katunayan, ang Gilas Asia Cup 12 ay isang beses lang nakapag-practice ng buo. Nagpakita lang si Calvin Abueva sa ikalimang araw ng training at ang iba ay naglalaro pa sa kani-kanilang teams sa PBA.
Iniisip ni Reyes kung ano ang maa-achieve ng Gilas sa Asian tourney na ito lalo pa’t kasama na ang mga Oceania heavyweight teams na Australia at New Zealand.
“I like the fact that we are opera-ting under any big expectations. But make no mistake, we will do our best,” ani Reyes.
Nag-runner-up ang Gilas Pilipinas sa huling dalawang editions ng biennial regional meet na ito sa Manila noong 2013 at Changsha noong 2015 armado ng training sa abroad at mga warm-up tourneys.
Kailangang magtapos sa Top Three ang Gilas para pumasok sa knockout round.