MANILA, Philippines - Maski ang kababayan ni Jeff Horn ay hindi kumbinsidong tatalunin ng Australian challenger si Filipino world welterweight champion Manny Pacquiao sa Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.
Sinabi ni Australian three-time world titlist Anthony Mundine na napanood na niya ang ilang laban ng 29-anyos na si Horn.
Ayon kay Mundine, kahit na 38-anyos na si Pacquiao at huling nakapagtala ng isang knockout victory noong Nobyembre ng 2009 matapos pasukuin si Puerto Rican star Miguel Cotto ay hindi pa rin siya tatalunin ni Horn.
“Even though he is at his end and past his prime, I believe he is still a dangerous fighter,” wika ni Mundine sa Filipino world eight-division king.
Itataya ni Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) ang kanyang suot na World Boxing Organization welterweight crown laban kay Horn (16-0-1, 11 KOs) sa 55,000-seater Suncorp Stadium sa Brisbane.
Para talunin si ‘Pacman’ ay kailangang paghusa-yan ni Horn ang kanyang estratehiya sa loob ng ring.
“I have watched him a couple of times. He is just a young, enthusiastic and confident kid,” wika ni Mundine kay Horn, isang dating school teacher. “He is an awkward fighter. He has got some power but I don’t really go much on his skill.”
Ngunit sinabi ni Mundine na hindi dapat magkumpiyansa si Pacquiao sa kanyang laban kay Horn.
“On paper, you would think Manny has it all day. But anything can happen in boxing,” ani Mundine. - RC