Power Smashers, Balipure puntirya ang 2-0 start

MANILA, Philippines - Matapos magwagi sa opening day ay tatargetin ng Power Smashers at BaliPure ang ikalawang sunod na panalo sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang BaliPure at Power Smashers ngayong alas-4 ng hapon, habang target din ng Perlas ang ikalawang panalo sa kanilang pakikipagsa-gupa sa Philippine Air Force Jet Spikers sa alas-6:30 ng gabi.

Sa men’s game, magtatagpo ang Sta. Elena at Cafe Lupe sa opening game sa ala-1 ng hapon.

Sinorpresa ng Power Smashers ang nagdedepensang Pocari Sweat, 25-9, 25-22, 25-21, no-ong Linggo sa likod nina Regine Arocha at Jovelyn Prado ng Arellano at Dimdim Pacres ng University of Santo Tomas sa kanilang pinagsamang 33 points.

Kahit ang Perlas Lady Spikers ay pinatumba ang paboritong koponan ni Alyssa Valdez, 23-25, 25-22, 25-19, 25-21.

Ngunit sinabi ni Perlas team captain Dzi Gervacio hindi sila dapat magpadala sa malaking panalo dahil tiyak ba-bawi rin ang Air Force  sa kanilang laban dahil nagmula ang Jet Spikers sa 25-21, 19-25,19-25,  21-25 pagkatalo sa Water Defenders.

Show comments