2017 Summer Camp dinumog

MANILA, Philippines -  Sinimulan ng City of Manila at ng Manila Sports Council ang “Mayor Erap's Summer Camp 2017” noong Miyerkules sa pamamagitan ng libre at magkakasabay na basketball, volleyball at swimming clinics para sa Under-16 participants sa anim na distrito ng lungsod.

Ang nasabing Summer Camp ay pinamamahalaan ng opisina ni Mayor Joseph Estrada at Manila Sports Council chairman Philip Cezar.

Ang mga clinics ay idinaos sa Tondo Sports Complex, Patricia Sports Complex, Andalucia Gym, Dapitan Sports Complex, San Andres Sports Complex at JCC Covered Court.

Ang cage clinics ay pinangasiwaan ni dating PBA guard Gherome Ejercito katuwang si Coca-Cola PBA Youngstar 16-under champion coach Jun Usman sa San Andres Sports Complex.

Naniniwala sina Cezar at Ejercito na malaki ang magiging kontribusyon ng nasabing sumer camp para mailayo ang mga kabataan ng Maynila sa masasamang bisyo.

Show comments