OAKLAND, Calif. — Maliban sa pagbibigay kay Kevin Durant ng karagdagang playing time sa court, naisip din ni Golden State Warriors coach Steve Kerr na ipahinga ang kanyang mga starters sa fourth quarter kesa paliwigin ang pinakamahaba nilang winning streak sa NBA ngayong season.
Sa papalapit na playoffs ay naging madali para kay Kerr na magdesisyon.
Nagtala si Rudy Gobert ng 17 points at 18 rebounds, habang nagsalpak si Joe Johnson ng mahalagang three-pointer sa 1:20 minuto ng laro para ihatid ang Utah Jazz sa 105-99 panalo laban sa Warriors.
Tinapos ng Utah ang kanilang 14-game winning streak ng Golden State.
“A win is a win,” wika ni Gobert. “They didn't put their starters back in at the end but we were still in the game. We know the playoffs are going to be a diffe-rent atmosphere but it's still a great win.”
Iniupo ni Kerr, ang koponan ay nakatiyak na ng pag-angkin sa No. 1 seed sa playoffs, ang kanyang mga starters sa kabuuan ng fourth quarter at ito ay sinamantala ng Jazz (50-31) para wakasan ang ka-nilang seven-game losing skid sa Oracle Arena.
Naglista si Stephen Curry ng 28 points sa tatlong quarters para sa Warriors (66-15), habang nagdagdag si Durant ng 16 points, 10 rebounds at 6 assists sa kanyang ikalawang sunod na laro matapos magkaroon ng knee injury.
Nanalo ang Jazz bagama’t hindi naglaro sina Gordon Hayward, Derrick Favors, Rodney Hood at Raul Neto na pawang may mga injuries.
Sa Miami, pinatibay ng Heat ang kanilang tsansa sa NBA playoffs matapos kunin ang 124-121 overtime victory laban sa Cleveland Cavaliers.
Tumipa si Tyler Johnson ng 24 points at humakot si center Hassan Whiteside ng 23 markers at 18 rebounds para sa Miami.
Makikipag-agawan ngayon ang Heat sa Indiana Pacers at Chicago Bulls para sa huling dalawang playoff spots sa Eastern Conference sa pagtatapos ng regular season sa Miyerkules.
Giniba ng Pacers ang Philadelphia 76ers, 120-111, at pinadapa ng Bulls ang Orlando Magic, 122-75.