BUFFALO, New York -- Naunsiyami ang pag-angat ni Jenel Lausa sa kanyang dibisyon matapos mabigo kay Magomed Bibulatov sa UFC 210.
Nagbigay ang mga judges ng iskor na 29-26, 29-26, 29-26 para kay Bibulatov, ginamit ang kanyang ground game para dominahin ang Filipino slugger.
Sa round three ay napatumba ni Bibulatov si Lau-sa at hindi hinayaan ang Pinoy na makabangon.
Nagkaroon si Bibulatov na magawa ang isang full mount sa kalagitnaan ng nasabing round at pinaulanan ng mga suntok si Lausa para sa unang panalo sa kanyang UFC debut at itaas sa 14-0 ang record niya.
Nalaglag naman ang baraha ni Lausa sa 7-3.
Samantala, napanatiling suot ni Daniel Cormier ang kanyang UFC light heavyweight title matapos talunin si challenger Anthony Johnson via rear naked choke sa second round sa main event.
Matapos ang laban ay inihayag ni Johnson ang kanyang pagreretiro sa UFC.
Inasar naman ni Cormier si No. 4 ranked conten-der Jimi Manuwa at isinunod si Jon Jones.
“Jimi Manuwa, you don’t want any of this,” wika ni Cormier. “Jon Jones, as a fighter, I respect you, but we don’t see eye to eye.”
Dalawang beses binawi ng UFC kay Jones ang kanyang dating hawak na light heavy weight crown dahil sa suspensyon.