MANILA, Philippines - Humakot si import Greg Smith ng 37 points at 30 rebounds para sa kanyang PBA debut.
Ngunit ang mahahalagang basket ay nagmula kay balik-import Eugene Phelps.
Umiskor si Phelps ng anim sa kanyang game-high na 53 points sa second overtime para tulungan ang Phoenix sa 118-116 pagtakas kontra kay Smith at sa Blackwater sa 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
“We know what Eugene can give us and they also have a very good import in Greg Smith,” sabi ni Phoenix coach Ariel Vanguardia.
Kumolekta rin ang 6-foot-5 na si Phelps ng 21 rebounds, 5 shotblocks at 1 assist para sa 1-0 record ng Fuel Mas-ters at makasosyo sa una-han ang nagdedepensang Rain or Shine Elasto Painters at Meralco Bolts.
May 0-1 marka naman ang Elite kagaya ng Mahindra Floodbuster at NLEX Road Warriors.
Mula sa 38-45 pagka-kaiwan sa Blackwater sa first half ay inagaw ng Phoenix ang unahan, 76-75, sa third quarter.
Dinala ni Phelps ang Fuel Masters sa unang extra period, 100-100, ha-bang si Smith ang nag-akay sa Elite sa ikalawang overtime, 110-110.
Tumipa si Denok Miranda para sa 112-110 abante ng Blackwater kasunod ang spin move at reverse layup ni Phelps at basket ni Mark Borboran para sa 116-112 bentahe ng Phoenix sa huling dalawang minuto ng laro.
Samantala, hangad ng Elasto Painters at Bolts ang kanilang ikalawang sunod na ratsada para sa liderato.
Haharapin ng Rain or Shine ang Mahindra nga-yong alas-4:30 ng ha-pon bago ang bakbakan ng Meralco at NLEX sa alas-6:45 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
PHOENIX 118 - Phelps 53, Intal 11, Baguio 10, W. Wilson 10, Alolino 9, Jazul 8, Borboran 8, J. Wilson 3, Lanete 2, Miranda 2, Kra-mer 2, Dehesa 0, Eriobu 0.
Blackwater 116 - Smith 37, Belo 21, Digregorio 13, Sumang 11, Pascual 8, Sena 7, Gamalinda 7, Mi-randa 6, Ababou 3, Forres-ter 0, Pinto 0, Cervantes 0, Aguilar 0.
Quarterscores: 18-18; 38-45; 76-75; 100-100 (1st OT); 118-116 (2nd OT)