MANILA, Philippines - Malolos City – Iti-numba ng Foton Tornadoes ang Generika-Ayala Life Savers, 25-19, 25-16, 23-25, 26-24, para makuha ang ikalawang panalo sa Belo-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa Malolos Sports and Convention Center kagabi.
Umiskor si Dindin Santiago-Manabat ng 17 attacks at dalawang aces para sa Tornadoes at makisosyo sa ikala-wang puwesto kasama ang Cignal HD Lady Spikers sa parehong 2-1 kartada.
Pagkaraang nakuha ang unang dalawang set ay nag-relax ang Tornadoes na nagbigay ng pagkakataon sa Life Savers para kunin ang ikatlong set.
Nangailangan pa ng match point ang Tornadoes bago humataw ng atake si Santiago-Ma-nabat upang tapusin ang laban sa isang oras at 45 minuto.
kagaya ng inaasahan, nagwagi ang Cignal HD Lady Spikers laban sa Sta. Lucia Lady Realtors, 20-25, 25-10, 25-20, 25-10, para masungkit ang ikalawang panalo.
Nagpakita ng all-around performance sina Rachel Anne Da-quis at Honey Rose Tubino para iangat ang HD Lady Spikers sa 2-1 kartada at ibaon ang Lady Realtors sa 0-2 record sa torneo.
Umiskor si Daquis ng pitong kills, tatlong aces at dalawang blocks para sa kabuuang 12 puntos, habang si Tubino ay umani ng 11 pun-tos upang makabawi sa kanilang 25-18, 24-26, 25-14, 20-25, 12-15 pagkatalo sa Petron no-ong Huwebes.
Nagbago ng strategy si Cignal coach George Pascua at unang ipina-sok ang kanyang second stringers.
“We have a very good chance of making it to the top three. We just need to work hard and treat each game,” ani Pascua.