Ika-3 MVP title ni Soltones

MANILA, Philippines - Nakamit ni Grethcel Soltones ang ikatlong sunod na Most Valuable Player (MVP) award sa 92nd NCAA volleyball tournament na ginanap sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Bukod sa pinakamataas na individual honor, naiuwi pa rin ng 21-anyos na business management student ang 1st Best Outside Spiker honor sa kanyang 44.61 percent success rate sa atake.

Ang iba pang pinarangalan sa season na ito ay sina teammates SSC Vira Guillerma bilang Best Setter at Alyssa Eroa sa Best Libero. Si Jovielyn Prado naman ng Arellano ay nahirang na 2nd Best Outside Spiker at si Lourdes Clemente ng Perpetual Help ang 1st Best Middle Blocker habang si Collen Bravo ng Perpetual Help ay ang 2nd Best Middle Blocker.

Nakuha rin ni Karen Montojo ng Jose Rizal ang Best Opposite Spiker award at si Francisca Racraquin ng San Beda ang Rookie of the Year sa season na ito.

Sa juniors division, dinomina ng nag-sweep na Lyceum Junior Pirates ang individual honors sa limang nakuha sa pa-ngunguna ni Geneses Redido bilang MVP.

Ang ibang taga-Lyceum na pinarangalan ay sina Sean Escallar (Best Setter), Valeriano Sasis III (1st Best Middle Blocker), Allen Calicdan (2nd Best Middle Blocker) at Juvic Colonia (Rookie of the Year).

Si Ederson Rebusora ng Emilio Aguinaldo ang 1st Best Outside Hitter at si Francis Casas ng EAC ang 2nd Best Outside Hitter. Si Zachary Dablo naman ang Best Libero at Robbie Pamitan ang Best Opposite Spiker. 

Sa Juniors championship, na-ngailangan ng limang sets ang defending champion University of Perpetual Help Altalettes bago magwagi kontra sa Lyceum of the Philippines Junior Pirates, 25-16, 23-25, 19-25, 25-18, 15-10 para masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa championship series.

Si Ivan Encila ay umiskor ng 20 habang si Paul Solamin ay umani ng 19 at 17 naman mula kay Marvin Castillo para umusad sa isang game na lang ang kulang bago makamit ng Altalettes ang kanilang ikatlong sunod na kampeonato.

Samantala, wagi pa rin ang Arellano Lady Chiefs kontra sa San Sebastian College Lady Stags. 18-25, 25-16, 25-11, 26-18, 15-13 kahapon para lumapit ang isang paa sa korona ng 92nd NCAA women’s volleyball tournament.

Umiskor si Regine Arocha para burahin ang 13-all tabla sa ikalimang set tungo sa malaking panalo. (FCagape)

Show comments