Rubio nasa line-up na uli ng Timberwolves

MINNESOTA -- Nagbalik si point guard Ricky Rubio sa line-up ng Timberwolves sa kanilang pagharap sa bisitang Los Angeles Clippers nitong Linggo.

Hindi nakalaro si Rubio sa nakaraang limang laban ng Timberwolves dahil sa napuwersang kaliwang siko, ayon kay coach Tom Thibodeau.

“I think it’s time to go out there and help the team out,” wika ni Rubio. “I was watching the games at home and it was painful to watch them from home. So I want to jump out there and help out.”

Nalasap ng Wolves ang kanilang ikaanim na kabiguan sa walong laro matapos yumukod sa Clippers, 105-119.

Sumama ang 26-anyos na si Rubio sa ensayo ng Minnesota noong Biyernes para sa kanilang laban sa Clippers at Los Angeles Lakers.

“He looks sharp,” sabi ni forward Shabazz Muhammad kay Rubio. “I told him it looks like he hasn’t missed a beat. His conditioning, going hard, shot’s looking better. He’s looking really good out there and we can’t wait to have him back.”

Show comments