Air Force Back-To-Back Champions ng Spikers’ Turf
MANILA, Philippines – Inilapit ng Pocari Sweat ang kanilang sari-li para sa korona.
Ito ay matapos patumbahin ng Lady Warriors ang Bureau of Customs Transformers, 25-22, 25-18, 25-18, sa Game One ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference Finals kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Bumandera si team captain Michele Gumabao sa kanyang walong attacks, tatlong aces at dalawang blocks para sa 1-0 abante ng Lady Warriors sa kanilang best-of-three title series ng Transformers.
Nalimitahan ng Pocari ang produksyon nina three-time UAAP MVP Alyssa Valdez at Thai import Kanjana Kuthaisong sa panig ng Customs.
Inunahan naman ng BaliPure ang University of Sto. Tomas sa pamamagitan ng 19-25, 25-16, 25-18, 25-18 panalo sa kanilang best-of-three showdown para sa third place.
Nagpakita ng magandang opensa ang American import na si Kate Morrell para makaganti sa kanilang pagkatalo sa Tigresses sa elimination round.
Samantala, nagwagi ang Philippine Air Force laban sa Cignal, 20-25, 25-21, 25-20, 25-22, para mawalis ang best-of-three finals, 2-0, at masungkit ang korona sa 2nd Spiker’s Turf Reinforced Conference.
Pinangunahan ng da-ting National University star na si Bryan Bagunas ang Jet Spikers para sa kanilang ikalawang sunod na titulo, ang una ay ang Open Conference kung saan tinalo rin nila ang HD Spikers sa best-of-three finals series.
“Malaking bagay ito sa amin kasi dalawang sunod na sweep na itong championship na ito sa amin against Cignal eh. At least gumana ang plays na pinaghirapan namin sa loob ng ilang buwan na training,” sa-bi ni Air Force coach Rhovyl Verayo.
Si Bagunas, ang hi-nirang na Finals Most Valuable Player, ay humataw ng 24 attacks, dalawang kills at isang ace upang masundan agad ang kanilang 25-23, 25-19, 19-25, 25-27, 15-12 panalo sa Cignal sa Game One.
Ang dating University of Sto. Tomas standout na si Mark Gil Alfafara ay umiskor din ng 21 puntos para su-portahan si Bagunas, habang ang Conference MVP na si Howard Mojica at Reyson Fuentes ay nag-ambag ng pinagsamang 14 puntos para sa Jet Spi-kers.
Ang veteran setter na si Jessie Lopez ang nakakuha sa Best Setter award sa kanyang 53 excellent sets.
“After ng first set sa-bi ko para kasing tense na tense sila. Gusto nila na kapag tumaas na ang bola, gusto nila na basagin kaagad. Tapos noong nalamangan sila na-pressure sila,” dagdag ni Verayo.
Kinuha naman ng Champion Supra ang third place nang gibain ang IEM, 27-25, 26-28, 25-15, 23-25, 16-11.