SAN ANTONIO - Ginamit ni Utah point guard George Hill ang kanyang natutunan sa tatlong seasons niya sa San Antonio para ipa-lasap sa dati niyang ko-ponan ang isang bihirang home loss.
Umiskor si Hill ng 22 points at nagsalpak ang Utah Jazz ng season-high na 15 three-pointers para talunin ang Spurs, 106-91.
“He had a great game,” sabi ni San Antonio veteran Manu Gi-nobili. “For three quarters they played good solid basketball and in the fourth he just took over. Made some big shots, good plays off the pick-and-roll. He’s a great player, we know he can do it.”
Ipinalasap ng Utah sa San Antonio ang ikalawang home loss nito sapul noong Marso ng 2015.
“Every loss is disappointing to me,” wika ni Spurs forward Kawhi Leonard, nagtala ng game-high na 30 points. “Just disappointed in our defensive effort. Our energy wasn’t there in the first quarter. They were knocking down shots in the fourth quarter. They scored 33 in the fourth and that’s not good either.”
Umiskor si Hill ng 10 points sa fourth quarter para ibigay sa Jazz ang 96-88 abante sa hu-ling 4 minuto ng laro.
Nakabangon ang Spurs para agawin ang unahan, ngunit bumida si Hill para sa Jazz mula sa kanyang court pre-sence na natutunan niya kay San Antonio coach Gregg Popovich.
Sa Cleveland, nagtuwang sina Kyrie Irving at Kevin Love para akayin ang nagdedepensang Cleveand Cavaliers sa 128-120 panalo laban sa Houston Rockets.
Nagtala si Irving ng 32 points kasunod ang 24 markers ni Love para sa 4-0 record ng Cavaliers, nakahugot kay Le-Bron James ng 19 points at 13 rebounds.
Nagbida naman si James Harden para sa Rockets sa kanyang 41 points.
Sa Portland, kuma-mada si Stephen Curry ng 23 sa kanyang 28 points sa third period para ihatid ang Golden State Warriors sa 127-104 panalo laban sa Trail Blazers.
Pinangunahan ni Damian Lillard ang Portland mula sa kanyang 31 markers.