St. Clare dumiretso sa pang-pitong sunod na panalo

MANILA, Philippines – Dinomina ng St. Clare College-Caloocan ang EARIST, 94-76, pa-ra sa kanilang season-best na pitong sunod na panalo sa 16th NAASCU men’s basketball tournament sa Makati Coliseum.

Nakipagtulungan si Aries Dionisio kina Michael de Leon, Paeng Rebugio, Junie Hallare at Mark Puspus para sa paggupo ng Saints nina NAASCU chairman Dr. Ernesto Jay Adalem at coach Jinino Manansala laban sa Red Fox sa nasabing 14-team tournament.

Humakot ang 6-foot-5 na si Dionisio ng 18 points at 14 rebounds para pamumuan ang St. Clare na gustong mabawi ang koronang kanilang huling hina-wakan noong 2012.

Nag-ambag sina De Leon at Rebugio ng 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan naman ni Ringo Jimenez ang EARIST ni coach Ringo Jimenez sa kanyang 27 points.

Samantala, tinalo naman ng AMA University,  ang Philippine Christian University, 85-82, sa likod ng pinagsamang 41 markers nina  Fil-Am guard Jason Riley at Je-zer Calma.

Tumapos si Riley na may team-high na 21 points, habang may 20 si Calma kasunod ang 14 ni Daniel Salonga.

Show comments