Slaughter balik-aksyon sa pagharap ng Ginebra sa Mahindra sa September 9

Ang isa sa mga slam dunk ni seven-foot center Greg Slaughter ng Barangay Ginebra.

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon ay makikitang muli sa aksyon si Greg Slaughter.

Nakatakdang tumapak sa hardcourt ang seven-foot center sa pagsagupa ng Barangay Ginebra laban sa Mahindra sa Setyembre 9 sa 2016 PBA Governor’s Cup.

Ngayon pa lamang maglalaro si Slaughter sa season-ending conference matapos sumailalim sa surgery para sa kanyang ankle injury.

Ayon kay coach Tim Cone, hindi niya basta-basta ibababad sa court si Slaughter.

“He’ll be coming off the bench, and he’ll be playing limited minutes,” sabi ng two-time PBA Grand Slam champion coach sa dating higante ng Ateneo Blue Eagles. “We’ll be bringing him back slowly.”

Dahil sa nasabing ankle injury ay hindi nakasama si Slaughter sa nakaraang kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament na pinagharian ng France sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“(My ankle) gets a little sore when I run on it, but I think that’s just re-adjusting to movements,” wika ni Slaughter.

Sinabi naman ni Cone na maaaring magkaroon ng epekto sa laro ng Gin Kings ang pagbabalik ni Slaughter.

Ito ay dahil sa magandang ipinapakitang laro ni import Justin Brownlee.

“He could either be a disruption, because we’re playing good basketball, or he can be a bona fide extra weapon that will take us to a new level,” ani Cone. “That’s really up to us, as a coaching staff, to make that happen.”

Umiskor si Brownlee ng 38 points at naging bahagi ng arangkada ng Ginebra sa third period para makabangon sa 17-point deficit, 32-49, at gibain ang Star, 116-103, noong Linggo.

Show comments