Cafe France babangon

MANILA, Philippines – Nanggaling sa kabiguan sa nakaraang cham-pionship series, pipilitin ng Cafe France na ma-kabangon sa kanilang kampanya sa 2016 PBA D-League Foundation Cup.

Sisimulan ng Bakers ang kanilang kampanya laban sa Topstar ZC Mindanao Aguilas ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Tanduay at AMA Online Education sa alas-4 sa Ynares Sports Arena.

“We can’t wait to get back to the court,” sabi ni Cafe France coach Egay Macaraya matapos matalo sa nakaraang D-League Aspirant’s Cup Finals.

Muling ipaparada ng Bakers sina Paul Zamar, Carl Bryan Cruz at Congolese big man Rod Ebondo.

Pinalakas naman ng Aguilas ang kanilang koponan makaraang hugutin sina JR Cawaling at Ro-bin Rono.

Sa ikalawang laro, hangad ng Tanduay na maduplika ang maganda nilang naipakita sa first conference sa pagsagupa sa AMA Online Education.

“After making the semis and failing to advance further in the previous conference, I’m pretty sure that it’s just logical for us to aspire to hurdle that phase this time around,” wika ni mentor Lawrence Chongson.

Show comments