OAKLAND, California – Nang makarekober na si Stephen Curry matapos ang delikadong pag-dive nito sa lugar ng mga audience sa first quarter, nawala ang kaba ng mga fans na nanonood sa Oracle Arena at kampante silang sinaksihan ang eksplosibong performance ng MVP kahit maga pa ang kanyang siko.
“The elbow’s fine,” sabi ni Curry na tumama sa bakal nang bumagsak ito. “It looks like it has a tennis ball on top of it. ... I should be all right.”
Tila walang bakas ng aksidente si Curry na umiskor ng 15 sunod na puntos sa loob lamang ng 2 minuto sa third-quarter stretch upang ihatid ang Golden State Warriors sa 118-91 panalo kontra sa Oklahoma City Thunder nitong Miyerkules ng gabi para itabla ang kanilang Western Conference finals series sa 1-1.
“Business as usual. This is what he does,” sabi ni coach Steve Kerr na tinanong din kung ano ang masasabi niya sa ipinakita ni Curry, “I feel great joy. It’s true.”
Umiskor ang MVP ng 28 points kabilang ang 5-of-8 3-pointers para sa 9-for-15 overall habang nagdagdag si Klay Thompson ng 15 points sa balanseng performance ng defending para ma-kabawi sa kanilang pagkatalo na ikatlo pa lamang nila ngayong season, dalawang gabi na ang nakakaraan.
“We responded all year long whether it was a bad loss or a sloppy win,” sabi ni Thompson. “We come back sharp the next game, and it’s a testament to eve-rybody on this team.”
Tumapos si Kevin Durant ng 29 points ngunit may anim na puntos lang pagkatapos ng halftime.
Nagtala si Russell Westbrook ng 16 points at 12 assists para sa Thunder, na outrebounded sa unang pagkakataon sa limang beses na pakikipagharap sa Warriors ngayong season.