Accelerators nakauna sa Bakers sa D-League Aspirants’ Cup Finals

LARO SA MARTES (Filoil Flying V Arena, San Juan)

12 n.n. CafeFrance vs Phoenix-FEU

(Game 2, Finals)

 

MANILA, Philippines - Nakuha ng Phoenix-FEU ang unang panalo ng 2016 PBA D-League Aspirants Cup Finals matapos talunin ang defending champion na CafeFrance, 82-78, sa Ynares Center sa Pasig kahapon.

Tumapos na may 18 puntos si FEU guard Roger Pogoy na nanguna sa limang manlalaro ng Accelerators na umiskor ng double-digits.

Ang mga ito ay sina Ed Daquioag, Mac Belo, Mike Tolomia at Russell Escoto na nagtala ng 16, 15, 13, at 12 points, ayon sa pagkakasunod.

Nakalamang ng mala­ki ang Accelerators sa se­cond quarter na nagsi­mula nang ma-foul ni Sam­boy De Leon si Belo na naibuslo ang isang fastbreak lay-up.

Hindi man nakumpleto ni Belo ang 3-point play ay nagtuluy-tuloy na­man ang magandang shooting ng kanyang mga kakampi dahilan upang magbaon ng 41-29 abante sa pagtatapos ng first half.

Mula doon ay lumobo ang kalamangan ng Acce­lerators sa 20 points, 51-31, sa third quarter ngu­nit naibaba ito ng Bakers sa tatlong puntos, 78-81, sa pangunguna ni­na Paul Zamar at Carl Bryan Cruz.

Ngunit kinapos rin si­la sa huli.

“Ini-expect naman na­­min ‘yung makakaha­bol sila,” ani coach Eric Gon­zales. “There’s no such thing as perfect defense, but per­fect effort.”

Nagbunga ang depensa ng Accelerators kay im­port Rodrigue Ebondo na hindi nakaiskor sa third quarter. (FML)

PHOENIX-FEU 82 - Po­goy 18, Daquioag 16, Belo 15, Tolomia 13, Ru. Es­coto 12, Ri. Escoto 4, An­drada 3, Jose 1, Iñigo 0, Mendoza 0, Pascual 0, Tamsi 0.

CafeFrance 78 - Ebondo 16, Zamar 12, Casino 11, Abundo 8, Jeruta 8, Manlangit 8, Opiso 5, Cruz 4, Anunciacion 2, Celso 2, De Leon 2, Arim 0, Villahermosa 0.

Quarterscores: 17-12; 41-29; 65-50; 82-78.

Show comments