MALAYBALAY, Bukidnon, Philippines -- Inaasa-hang gagamitin ni Jan Paul Morales ng Navy-Standard ang fifth at final stage bilang kanyang victory lap sa pagtatapos ngayon ng Mindanao Leg ng LBC Ronda Pilipinas 2016 dito sa City Plaza.
Pormalidad na lamang ang kailangan para sa pag-angkin ni Morales ng Mindanao title matapos pagharian ang 21.7-kilometer Stage Four Individual Time Trial sa Dahilayan, Manolo Fortich sa Bukidnon sa kanyang oras na 48 minuto at 26.69 segundo noong Huwebes.
Matapos ang four stages ay nakakolekta si Morales ng 49 points at iniwanan ng 14 points si No. 2 and fellow Navyman Ronald Oranza na may 35 points.
Kailangan na lamang ni Morales na tapusin ang final stage--isang three-kilometer criterium--para koronahan ang sarili.
Ang tanging paraan para maagaw nina Oranza at Lloyd Reynante, ang Navy team captain na may 33 points, ay kung hindi sasali si Morales sa karera.
“Tapos na,” sambit ni Morales ng Calumpang, Marikina.
Sumegunda si Morales kay Oranza sa Stages One at Two sa Butuan bago pagharian ang Stage Three criterium sa Pueblo de Oro sa Cagayan de Oro noong Martes at ang ITT sa Manolo Fortich noong Huwebes.
Sinabi ni Morales na iaalay niya ang kanyang panalo sa Mindanao Leg sa asawa niyang si Lennie at sa kanilang mga anak na sina Janelle at Jan Paul, Jr.
Nasa No. 4 hanggang No. 8 spots naman sina Navy bets Daniel Ven Carino, Rudy Roque, Joel Calderon, El Joshua Carino at John Mark Ca-mingao sa kanilang 30, 26, 23, 16 at 12 points, ayon sa pagkakasunod.
Sina Team LBC-MVP Sports Foundation rider Ronnilon Quita at Team LCC Lutayan bet James Paolo Ferfas ang bubuo sa top 10 sa kanilang 12 at 9 points.
Si Reynante ang hinirang na Mitsubishi King of the Mountain winner matapos magdomina sa KOM lap sa Stage One sa Butuan, habang si Morales ang tinanghal na ASG Sprint King.
Ang tanging award na paglalabanan na lamang ay ang Petron Local Hero plum na ibibigay sa best rider mula sa Mindanao.
Papasok sa huling stage, maliit lang ang agwat ni Camingao (12pts), ipinanganak sa Davao pero matagal nang naka-tira sa Manila, kay Ferfas (9 pts.) na tubong Marbel, South Cotabato.