MANILA, Philippines – Ipinakita ng CafeFrance na kaya nilang makipagsabayan matapos ipalasap sa UP QRS/JAM Liner ang kanilang unang talo ngayong conference sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena kahapon.
Sa pagtatala ng kanilang ikatlong sunod na panalo, tumabla ang Bakers sa liderato sa Caida Tile.
“The boys played very well. Na-execute nila yung game plan. We had a very good start and biglang nawala yung laro yung UP. Credit to the
boys talaga,” sabi ni coach Egay Macaraya.
Sa pamamagitan ng 11-0 start, madaling nakalayo ng husto ang CafeFrance na lumamang ng hanggang 27-puntos, 74-47, sa kalagitnaan ng third quarter.
Sa unang laro, nagtala naman ang Tanduay ng 39-point win kontra sa baguhang Mindanao, 95-56 para sa kanilang unang panalo sa 3-laro.
Pinangunahan ni JP Belencion ang panana-lasa sa Rhum Masters sa pagkamada ng 18 points, habang si Adrian Santos ay may 14 markers at seven rebounds upang ipalasap sa Mindanao ang kanilang ikatlong sunod na talo bilang kulelat ng torneo.
Pinangunahan ni Carl Bryan Cruz ang CafeFrance sa kanyang 15 points habang si Rod Ebondo ay may double-double sa kanyang 14 markers at 12 rebounds.