MIES - Hindi lamang sa FIBA-Asia tournament gusto ng world governing body maging aktibo ang Pilipinas.
Sinabi ni FIBA 3x3 director Alex Sanchez na maghahanap pa sila ng mga paraan para mas lalo pang maging aktibo ang Pinas sa paglahok sa mabilisang 10-minute streetball game na nagtatampok sa 12-second shot clock.
Nagkausap sina Sanchez at SBP executive director Sonny Barrios sa FIBA headquarters kamakailan.
Ayon kay Sanchez, isang Spanish, ang paglahok ng Pilipinas sa nakaraang dalawang FIBA 3x3 World Tour Finals at ang back-to-back World U18 Slam Dunk Championships ni Kobe Paras ay mga dahilan kung bakit gusto ng FIBA na maging aktibo ang Pinas sa 3x3 events.
Ang Manila West, nagtampok kina Terrence Romeo, Aldrech Ramos, K. G. Canaleta at Rey Guevarra, ang naging kinatawan ng Pilipinas sa World Tour Finals sa Tokyo noong 2014.
Sumabak naman ang Manila North, binubuo nina Calvin Abueva, Vic Manuel, Troy Rosario at Karl Dehesa, sa Abu Dhabi noong 2015.
Noong Disyembre ay inimbitahan ng FIBA sina Kiefer Ravena, Jeron Teng, Bright Akhuetie at Ola Adeogun para ma-ging kinatawan ng Pilipinas sa isang exhibition sa 3x3 All-Stars sa Doha.
“The sky’s the limit for 3x3 basketball as a global event,” wika ni Sanchez. “It is an extremely successful TV product and brings the game to where the kids are in the streets. We’re excited about enlarging the 3x3 platform all over the world.”
Sinabi ng FIBA na ang 3x3 ay isang mahalagang sangkap ng kanilang estratehiya para mapalaga-nap ito sa buong mundo.
Plano ng FIBA na ipakilala ang 3x3 bilang isang basketball event sa Olympics simula sa 2020 Tokyo Games.
Habang wala pang kumpirmasyon ang pagkakasama nito sa Olympic calendar, inaasahan namang mapapanood ang 3x3 sa Tokyo Games.
Sinabi ni Sanchez na maglalaro ang Pilipinas sa third FIBA 3x3 World Championships sa Guangzhou sa Oct. 11-15.
Ito ang unang pagkakataon na makakasali ang Pilipinas sa World Championships ngayong taon.
May 20 men’s teams na nakalista para sa World Championships.
Ito ay ang Andorra, Brazil, China, Egypt, Indonesia, Italy, Japan, Netherlands, New Zealand, Philippines, Poland, Qatar, Romania, Russia, Serbia, Slovenia, Spain, Turkey, the US at Uruguay.
Ginagawa ang World Championships tuwing ikalawang taon.
Ang Serbia ang nagkampeon sa unang edis-yon sa Athens (2012) kasunod ang Qatar sa Moscow (2014).