MANILA, Philippines – Hindi naging madali ang pagsikwat ng College of St. Benilde sa korona ng NCAA women’s volleyball tournament.
Nang unang makita ni coach Michael Carino ang Lady Blazers ay inakala niya itong isang sumo-wrestling team dahil overweight ang mga players.
“The first time I saw them, I thought this is a joke. I thought I was seeing a sumo team,” wika ni Carino.
Subalit dahil sa discipline, hardwork at strict training regimen ay pinalakas ni Carino ang Lady Blazers mula sa pagiging isang punching bag hanggang sa pagiging reyna.
Sa kanyang unang dalawang season ay nabigo si Carino na maipasok ang St. Benilde sa Final Four.
At ngayong taon ay hirap na hirap ang Lady Blazers na makaabante sa semis bilang huling koponang nakapasok kasama ang No. 3 Perpetual Help, No. 2 at 2015 champion Arellano University at elimination round sweeper San Sebastian.
Ngunit isa-isa itong tinalo ng Lady Blazers na kinatampukan ng kanilang paggulat sa Lady Stags sa championship series kung saan kinaila-ngan nilang manalo ng tatlong beses.
“The turning point was the semis game against Perpetual Help. It showed us we’re capable of achieving something big,” wika ni Carino.
Nagtala si Jeanette Panaga ng series high na 7 blocks para tulungan ang St. Benilde sa 25-22, 25-23, 22-25, 25-22 panalo sa Game Four laban kay reigning back-to-back MVP Grethcel Soltones at sa San Sebastian noong Huwebes.
Hinirang si Panaga bilang Finals MVP at ginawang bagong team captain para sa susunod na season.
“Yes, It’s definitely her,” sabi ni Carino sa 21-anyos na si Panaga ng Limay, Bataan.
Tinanggap ni Panaga ang hamon sa kanya.
“It’s a big responsibi-lity but I will give it my best to live up to expectations,” ani Panaga, ang two-time Best Blocker ng NCAA.