Chinese netter pasok sa 2nd round ng ATP

MANILA, Philippines – Si Chinese Li Zhe ang naging unang player na umabante sa second round matapos niyang igu­po si Italian Lorenzo Guistino, 6-3, 3-6, 6-4, sa paghataw ng main draw ng $75,000 ATP Challenger Philippine Open 2016 kahapon sa Rizal Me­morial Tennis Center.

Nakatakda namang la­banan kagabi ni AJ Lim, isa sa apat na Filipino wild card entries sa weeklong event, si French David Guez.

Ang iba pang local bets na maglalaro ay sina Fil-Am Ruben Gonzales, Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon.

Nakabangon ang 29-anyos na si Li, kasalukuyang World No. 260, mu­la sa 3-4 deficit sa third at final set para talunin si Guistino.

Lalabanan ni Li sa se­cond round ang mananalo sa pagitan nina No. 8 Indian Somdev Devvarman at Spaniard Oriol Batalla Roca na kasalukuyan pang naglalaro.

Nagmartsa sa second round sa doubles event si­na Austrian Maximilian Neuchrist at Indian Divij Sha­ran nang patumbahin si­na American James Cerretani at Japanese Toshihide Matsui, 7-6 (5), 6-2.

Show comments