MANILA, Philippines – Pag-aagawan nina Filipinos Crisanto Pitpitunge at Jinel Lausa ang bakanteng flyweight title, samantalang itataya ni Kyle Aguon ng Guam ang kanyang bantamweight title laban kay Korean Top Team’s Kwan Ho Kwak sa PXC-51 ngayon sa Solaire Resorts and Casino.
Matutunghayan din sa event ang pagharap ni Filipina fighter Gina Iniong kay Vanessa Fernandez ng Spain sa atomweight class at ang pakikipagsagupa ni Laban MMA alumunus Jon Cris Corton kay Farmon Gafarov ng Uzbekistan.
“We are elevating the quality and status of PXC with international professionals in the ring at a world class venue,” sabi ni EJ Calvo kahapon sa PXC-51 press conference sa Solaire Theatre foyer.
Hangad ni Pitpitunge, dating PXC title-holder, na makabalik sa itaas sa pagsagupa sa dating boxer na si Lausa, nagmula sa sensational knockout win kay Ernesto Montilla sa PXC 48 noong 2015,” wika ni Pitpitunge, dating muay thai champion at nagsasanay sa Baguio-based Team Lakay.
“I’m ready,” sambit naman ni Lausa.
Magiging maaksyon din ang Aguon-Kwak match dahil sa pinagmulang panalo kina Rolando Navarette-Dy sa PXC 45 at Trevin Jones at PXC 47, ayon sa pagkakasunod.
Makakatulong ni Aguon sa kanyang corner si Ultimate Fight Championship fighter Jon “Super Sayyan” Tuck.
“I will be by his side come fight time,” ani Tuck, nagsimula sa PXC bago kinuha ng UFC kung saan siya may 3-2 (win-loss) record kasama ang first round submission win kay Tae Hyun Bang sa UFC noong 2015.