MANILA, Philippines – Katulad ng inaasahan, nag-agawan sa suwerte at buwenas ang mga participants kahapon at noong Sabado.
Sa tampok na karera na isang class division-1 winners combine with group-2 ay nanalo ang Cinderella Kid na pinaremate ni C.P. Henson laban sa Wannabe na sumegundo at Pax Britannica na paborito pero tersero lang.
Ang dehadong si Bull Session na ginabayan ng replace jockey na si K.B. Abobo mula kay J.B. Hernandez ang siyang nagdikta ng trangko nang umalagwa agad ito pagbukas pa lamang ng aparato.
Agad naman siyang binuntutan ng Wannabe na dinala ni R.C. Landayan at Boy’s Of Meadows na inibabawan ni Mark A. Alvarez.
Sa malaking bahagi ng karera ay ang Bull Session na pag-aari ni L.M. Naval at kinukundisyon ng ace trainer na si Ruben Tupaz ang siyang namamayagpag.
Sa rektahan, kinapos ang lakas ng Bull Session pero pumang-apat pa rin sa matinding laban.
Pang-lima ang Boy’s Of Meadows samantalang ang itinuturing na magpapakita ng gilas na si Right As Rain na pang-anim lamang.
Sa unang karera pa lamang ay namangha na ang mga karerista, pero natuwa ang mga dehadista lalo na’t nakikita nilang lumalaban nang husto ang kanilang pusta.
Ang Here And Beyond na isang dehado at pinatungan ng class-D rider na si Yson L. Bautista ang siyang ating ice breaker. Forecast lang ang first choice na Director’s Gold at tersero naman ang Promise.
Sa masasabing tatluhang karera sa isang two year old condition race ay ang Striking Colors na nirendahan ni R.G. Fernandez ang siyang nagpasikat.
Runner-up ang Real Flames at tersero naman ang He He He.
Ang tatlong kaba-yong ito ay makikita rin sa nalalapit na triple crown stakes race.
Sa Handicap-3 ay ang fourth pick na Diamond’s Wonder na pinaremate rin ni Kenneth E. Malapira ang nagwagi makaraang lagpasan ang paboritong Summer Applaus mga ilang dipa na lamang bago ang meta.
Tersero ang Real Value na nagparamdam sa pagpasok ng ultimo kurbada.
Isa pa ring dehado na Silver Screen at sinakyan ng class-D jockey na si Lester F. De Jesus ang nanaig sa isang class division-1B. Sinopla niya ang mga higit na inaasahang sina Toscana na sumegundo, Real Pogi na tersero at Sir Jeboy na siyang naging pinaka-paborito sa grupo.
Para ‘di mabokya ang mga liyamado ay ang paboritong Magdapio na pinatungan ni Dan Camañero ang nanalo sa isang class division-1B winners combine with group-1A. (JM)